Thursday, January 26, 2012

Aha Moment


Ayon sa microsoft.com, ang tawag dito ay "Type a Note" box.  Ang layon nito ay tinalakay sa "Create a Personal Note" na seksyon.  Samakatuwid, ito ay maaari ring tawaging "Personal Note" box.

Ngayon ko nauunawaan kung bakit pwedeng maglabas ng samu't saring emosyon sa inosenteng kahon na ito: galit sa kaopisina, galit sa mundo, kasawiang dulot ng pag-ibig, kawalan ng pera, gutom, uhaw, pagod, at kung anu-anu pa.  "Personal" kasi.  Kahit gamit mo ang  kuryente ng opisina, iyo ang box na yan. Kasi, "personal".  Iyo ang box na iyan.

Kung gayon, napapanahon na marahil ang maglunsad ng "Emoting in the Workplace" computer-based-training.  Amen? Amen.

P.S. Kung nabasa mo ito habang nasa opisina ka, subukan mo namang magtrabaho.

Tanggal cobwebs sa blog.

Grabe, 10 years.